Diplomatic protest laban sa unilateral fishing ban ng China sa South China Sea, inihain ng DFA

Naghain na ng diplomatic protest ang pamahalaan laban sa China bilang pagtutol sa pagpapatupad nito ng unilateral fishing ban sa South China Sea.

Partikular ang idineklara ng China na tatlo at kalahating buwan na pagbabawal sa pangingisda mula May 1, 2022 hanggang August 16, 2022.

Tinukoy rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa diplomatic note nito ang paragraph 716 ng final at binding award na pinanalo ng Pilipinas sa South China Sea Arbitration noong July 12, 2016.


Ayon sa Philippine government, ang moratorium ng China ay pagsira sa article 56 ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ang Pilipinas ang may karapatan at hurisdiksyon sa West Philippine Sea.

Tiniyak din ng DFA na magpapatuloy ang pagprotesta ng Pilipinas sa taunang fisihing ban ng China kahit sa mga lugar na lumalampas na sa kanyang teritoryo sa ilalim ng 1982 UNCLOS.

Facebook Comments