Umaabot na sa 241 ang diplomatic protest na isinampa ng Pilipinas laban sa pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS) mula ng magtagumpay tayo sa arbitral case noong 2016.
Sinabi ito ni Deputy Assistant Secretary Myca Magnolia Fischer ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations ukol sa Philippine Maritime Zones Bill.
Ayon kay Fischer, ang 226 sa nabanggit na diplomatic protest ay inihain sa ilalim ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., kung saan ang 183 ay dahil sa presensya ng Chinese vessels sa ating maritime zone.
Sabi ni Fischer, tumugon ang China sa 152 protesta natin at iginiit ang kanilang posisyon sa West Philippine Sea.
Samantala, ang pagdinig ng Senado ay kaugnay sa mga panukalang liwanagin sa mapa, maritime zones ng Pilipinas o ang abot na saklaw ng ating teritoryo sa karagatan base sa international laws.