Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi mapuputol ang diplomatic relations ng Pilipinas sa European Union.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ianunsiyo na hindi na tatanggap ang Pamahalaan ng financial aide mula sa EU para hindi na ito makapanghimasok sa panloob na usapin ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magtutuloy-tuloy lang ang relasyon ng Pilipinas sa EU sa kabila ng desisyon ni pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang tumanggap ng tulong mula dito.
Sinabi pa ni Abella na hindi naman binabalewala ng Pilipinas ang mga naitulong ng EU sa Pilipinas lalo na sa mga nagdaang kalamidad.
Matatandaan na nilinaw ng Malacanang na tatanggap parin ang bansa ang Humanitarian aide mula sa EU.
DZXL558, Deo de Guzman
Diplomatic Relations ng Pilipinas sa EU, hindi masisira ayon sa Malacañang
Facebook Comments