Diplomatic ties ng Pilipinas at Japan, pinagtibay sa ika-7 pagkakataong pulong ni PRRD at Japanese PM

Photo Courtesy: PCOO

Muling pinagtibay ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Japan sa pagkikita muli nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Ito na ang ikapitong pag-uusap ng dalawang lider mula nang maupo si Pangulong Duterte noong 2016.

Sa isang joint press conference, sinabi ni Pangulong Duterte na pinag-usapan nilang dalawa ni PM Abe ang pagpapa-upgrade ng defense capabilities ng Pilipinas, kabilang ang maritime security at maritime domain awareness.


Nagpasalamat din ang Pangulo sa Japan sa suporta nito sa maambisyosong infrastructure program na “build build build” at peace and development efforts sa Mindanao.

Maliban dito, napag-usapan din ang regional maritime security, non-traditional threats at ongoing efforts para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Korean peninsula.

Binati naman ni PM Abe si Pangulong Duterte sa matagumpay na may 2019 midterm elections.

Ani Abe, dapat gawing prayoridad ang pagpapatibay ng administrative capacity ng Bangsamoro Transition Authority at facilitation of disarmament ng mga sundalo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Tiniyak ng Japanese leader na buo ang kanilang suporta sa sustainable economic development ng Pilipinas lalo na sa pagtatayo ng quality infrastructure.

Nagpasalamat din si Abe sa Pilipinas sa pag-alis sa import suspension ng fishery products sa Fukushima prefecture.

Pagkatapos nito, pinangunahan ni PM Abe ang isang dinner kasama ang Pangulo.

Facebook Comments