Dipolog City pumasa sa road clearing operation ng DILG

Umabot sa 81.99 percent angibinigay na grado sa Dipolog City  ngvalidation team sa pangunguna ng Department of the Interior and LocalGovernment (DILG) ukol sa pagtugon sa programang road-clearing operation. Nagtalaga si Dipolog City MayorDarel Dexter Y. Uy ng isang task force road clearing and sidewalk recovery nanangasiwa para maalis ang mga illegal na istraktura na nakakasagabal sakalsada. Sa ginawang exit conference,ikinatuwa ni Uy ang magandang resulta na kanyang natanggap at ipagpatuloy aniyanito ang nasimulan para magkaroon ng mga kalsada o sidewalk na cleared saanumang obstruction. Magugunitang, mula noong Hulyo29 nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG na bigyan ng 60 days angmga LGUs na ibalik sa taumbayan ang gilid ng kalsada sa pamamagitan ngpaglilinis ng mga sidewalk. -30-  (Mardy D. Libres)

Facebook Comments