Dipolog Pnp patuloy sa kanilang kampanya kontra kreminalidad

PNP Dipolog patuloy sa kanilang kampanya kontra kreminalidad.
Paramapanatiling maayos at mapayapa ang syudad ng Dipolog, mas hinigpitan ngayon ngpulisya ang kanilang kampanya laban sa anumang kreminalidad sa syudad at dahilnarin sa nagpapatuloy na kagulohan sa Marawi City.
Ayon kayPSupt. Lito Andaya, hepe ng Dipolog PNP, iilan sa mga hakbang na ipinatupadnila ay ang pagsasagawa ng mga major check points sa Barangay Punta, Gulayon,Minaog at Sitio Bayang, pamimigay ng mga safety tips at mga hotline numbers samga residente lalo na sa mga business establishment, paaralan at iba pa.
Nananawagandin ang pulisya sa mga Dipolognon na maging mapagmatyag palagi at i-report agadsa kanilang tanggapan kung may makikitang tao na kaduda duda ang galaw o di kaya’y bago sa kanilang lugar.
Suspendidorin ang lahat ng permit to carry firearms outside the residence.
Angpagbabawal sa pagdadala ng armas sa labas ng tahanan ay bahagi ng ipinatupad naMartial Law sa buong Mindanao kasunod ng kagulohan sa Marawi City. 

Facebook Comments