Direct flight mula Manila hanggang Brussels, napagkasunduan nina PBBM at ng Belgium Executives

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Brussels airport officials na magkaroon na ng direktang flight na mula Manila hanggang Brussels.

Sa ulat ng Office of the Press Secretary, nagmula ang proposal sa hanay ng Brussels airport officials sa pangunguna ni Arnaud Feist, Chief Executive Officer (CEO) ng Brussels Airport Company na aniya’y “win-win” para sa kapwa bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isang oportunidad ang nasabing hakbang para sa mga Filipino na mag-explore hindi lamang sa Belgium kundi pati na sa ilan pang mga lugar ng Western Europe.


Kapag mababanggit aniya ang Brussels, sinabi ng presidente na Western Europe ang agad na pumapasok sa isip ng marami gayung Brussels ang nasa sentro nito.

Ang pulong sa pagitan ni Pangulong Marcos at ng Brussels airport officials ay bahagi ng sidelines ng Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) commemorative summit.

Facebook Comments