Tinatalakay na ng Philippine Airlines (PAL) at delegasyon ng Israel ang posibilidad na magkaroon ng direktang biyahe sa pagitan ng Manila at Tel Aviv simula sa Oktubre.
Ayon kay Israel Ministry of Tourism director general Amir Haveli, magsisilbi itong “game-changer para sa tourism at business connectivity.
Una nang sinabi ng PAL ang plano nitong pagtugon sa lumalaking demand sa pagbiyahe sa Holy Land para sa spiritual pilgrimages, trabaho gayundin ang Israelis na nagnanais bumisita sa Pilipinas.
Tinatayang nasa 34,100 Filipino tourists ang bumiyahe sa Israel noong 2019, 30% na mas mataas mula nang magbukas sila ng tanggapan sa Maynila noong 2017.
Facebook Comments