DIRECTOR NG PRO2, BUMISITA SA CAGAYAN PPO

Cauayan City, Isabela- Bumisita sa kauna-unahang pagkakataon si Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ng PRO2 sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO).

Malugod siyang tinanggap ng mga pulis ng Cagayan PPO kung saan binigyang-karangalan nito ang mga PNP personnels na naging instrumento sa sunud-sunod na accomplishments kaugnay sa kampanya kontra-kriminalidad, ilegal na droga, insurhensiya at terorismo sa probinsya.

Nabanggit din ni RD Ludan sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagbibigay ng serbisyong may puso.


Pinaalalahanan ng opisyal ang lahat na sumunod sa mga health protocol kaugnay sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID-19 lalo na ang Delta Variant sa komunidad.

Bukod pa rito, pinangunahan din ni RD Ludan ang pagpapasinaya sa ilang pasilidad ng Cagayan PPO kabilang na ang Cagayano Cops Poultry.

Facebook Comments