Direk Brillante Mendoza, kakausapin pa kung maaaring muling i-direct ang SONA ng Pangulo

Manila, Philippines – Hindi pa tuluyang masabi ng Palasyo ng Malacañang kung ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza muli ang magdi-direct ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 24 ng Hulyo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, willing naman si Mendoza na muling i-direct ang SONA pero ang tanong aniya ay kung libre ulit ang serbisyo na ibibigay ng premyadong director tulad ng ginawa nito noong nakaraang SONA.

Paliwanag ni Andanar, hindi niya afford ang kalibre ni Mendoza pero kakausapin parin niya ang direktor kung puwede ito ulit.


Pero maganda aniya na makuha ulit si Mendoza para maisaayos ang mga anggulo na hindi nagustuhan ng publiko noong unang SONA ng Pangulo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments