Direktang pag-uusap sa mga vaccine manufacturers, puwede, lalo na sa emergency situations – DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na ang procurement law ng Pilipinas ay pinapayagan ang negotiated agreement sa pharmaceutical firms na may kinalaman sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pinahihintulutan ng batas ang procurement lalo na sa panahon ng emergency o may banta sa buhay ng mga tao sa ilalim ng state of calamity.

Sa ilalim ng procurement law, kinakailangang dumaan ang government purchases sa public bidding para makuha ang tapat na presyo mula sa mga manufacturer.


Sinabi ni Guevarra na kailangan niyang busisiin at pag-aralan ang anumang tripartite agreements sa pagitan ng pharmaceutical firms, national government at Local Government Units (LGUs).

Facebook Comments