Noong Disyembre 5, 2025, nagsagawa ng paunang dialogue ang DTI Region 1 at BJMP Region 1 upang tapusin ang mga detalye ng partnership.
Layunin ng kolaborasyong ito na suportahan at mapanatili ang market access para sa mga salt producers sa Rehiyon 1 sa pamamagitan ng pag-ugnay ng kanilang produkto sa mga pangangailangan ng mga BJMP facilities, kasabay ng pagtitiyak ng kalidad, sustainability, at pagsunod sa pamantayan ng gobyerno.
Ang inisyatiba ay nakabatay sa Republic Act No. 11895 o Philippine Salt Industry Revitalization Act na nagtataguyod ng promosyon at modernisasyon ng salt industry, at sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program na nagpapalakas ng inter-agency support para sa mga community-based producers.
Nakaiskedyul ang ceremonial signing ng kasunduan sa Disyembre 15, 2025 sa BJMP Regional Office 1, bilang hakbang para sa pagpapalakas at tuloy-tuloy na pag-unlad ng lokal na salt makers sa Ilocos Region.







