Tumutol ang isang grupo ng mga negosyante na pagbawalang pumasok ng malls at ilang establisyemento ang mga bata.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansang magbabawal sa pagpasok ng mga edad 12 pababa sa mga mall.
Ayon kay Jose Luis Yulo Jr., Presidente ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands, masama ang magiging epekto kung magpapatupad ng age restriction sa mga mall at mga pampublikong lugar.
Magiging bunsod ito ng pagbawas sa kita ng ilang negosyo.
Sabi naman ng OCTA Research, dapat mas mahigpit na sundin ang pagsusuot ng face mask ng mga batang hindi pa bakunado.
Matatandaang una na rin sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat mag-ingat sa labis na pagluluwag na dahilan ng surge ng kaso ngayon sa Europa.
Sakaling ipagbawal ang mga bata sa mall, payo ni Duque na mas makabubuting magtungo na lamang ang mga ito sa open spaces.
Kapag natuloy ang plano, mamayang gabi inaasahang pag-uusapan ng Metro Manila Council (MMC) ang panukalang ito ni Pangulong Duterte.