Iginiit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi maaaring gawin ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng karagdagang tubig sa Angat Dam upang maresolba ang krisis sa tubig sa Metro Manila.
Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang MWSS at ang dalawang water concessionaires na Maynilad at Manila Water na maglabas ng tubig na kayang tumagal ng hanggang 150 araw mula sa Angat Dam.
Ayon kay MWSS Chief Reynaldo Velasco – ang supply ng tubig sa Angat Dam ay hindi problema pero ang tubo na magdadala ng tubig sa Metro Manila ay may limitasyon.
Sinabi naman ni Manila Water Communications Planning and Tactical Development Manager Dittie Galang – ang aqueducts na nagdadala ng tubig mula Angat patunong La Mesa Dam ay gumagana na “in full capacity”.
Katwiran naman ni Maynilad Corporate Communications Head Jenny Rufo – malabong masunod ang direktiba ng Pangulo lalo at mayroong infrastructure limitations.