Direktor na si Maryo J. Delos Reyes, pumanaw na

Nagluluksa ngayon ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng batikang film at tv direktor na si Maryo J. Delos Reyes.
Pumanaw noong sabado ng gabi, January 27, ang direkto matapos atakihin sa puso sa isang aprty sa Dipolog City.
Agad naman bumuhos ang pakikiramay ng mga artista at kasamahan sa industriya ni Delo Reyes.
Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang mensahe sa social media ay ang mga kapuso stars na sina Lovi Poe, Katrina Halili, Rodjun Cruz, Dennis Trillo.
Nagpaabot din ng pakikiramay sina Iza Calzado, Sarah Lahbati, Maxene Magalona at Richard Gomez.

Facebook Comments