Direktor ng CSC Region 2, Pinatay

594

Tuguegarao City, Cagayan – Dead on the spot ang direktor ng Civil Service Commisison Region 2 matapos siyang pagbabarilin ng riding in tandem.

Ang biktima ay si Attorney Neil S. Agustin na agad namatay mula sa maraming tama ng bala ng baril. Sa report ng RMN affiliate Radyo DZCV field reporter na si Evangeline Malana, ang insidente ng pamamaril ay naganap bandang 5:17 ng hapon ng Setyembre 15, 2017 sa Gonzaga Street Extension, Barangay 10, Tuguegarao City, Cagayan.

Masuwerte namang hindi nadamay ang kasamang empleyado ng CSC Region 2 na si Randolph Castañeda matapos siyang makatakbo papalayo sa pinangyarihan ng krimen.

Ang mga salarin ay nakatakas angkas sa di naplakahang motorsiklo sa di malamang direksiyon.

Ayon naman sa panayam ng RMN Cauayan News Team sa pamamagitan ng telepono kay P/Supt Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police ay rumesponde agad ang PNP Tuguegarao at SOCO Region 2 na agarang nagpakat ng mga checkpoints sakaling madakip ang mga gumawa ng pamamaril.

Sa kasalukuyan ay binuo ang special investigation task force upang imbestigahan ang naturang pangyayari.

Facebook Comments