“Dirty money” mula sa pamilya Sanchez, hindi na hahabulin ng pamilya Sarmenta at Gomez

Hindi na hahabulin ng pamilya ng mga pinaslang na U.P. Los Baños students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez ang bayad na danyos ng pamilya ng rapist-killer na si dating Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay ginang Clara Sarmenta, ina ni Eileen, hindi na sila interesadong makuha ang danyos.

Sumulat na rin sila sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) sa kanilang pagkontra sa pagpapalaya kay Sanchez.


Sabi naman ng pamilya Gomez, kung mababayad ang pamilya Sanchez ay gagamitin na lamang nila ito sa charity.

Matatandaang nanindigan na ang pamilya Sanchez na hindi sila magbabayad ng danyos dahil naniniwala silang inosente ang dating alkalde.

Facebook Comments