Sa Cebu City, Inaantay pa ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang damage assessment report mula sa binuong technical working group upang gawing basehan sa plano nito na isailalim ang buong lungsod sa State of Calamity.
Ayun kay CCDRRMC Chief , Jovie Morelos, nasa final stage na ito ng kanilang asessment at analysis sa danyos sa mahigit 50 sa 80 na barangay sa lungsod ng Cebu lalo na sa mga bukiring barangay nito.
Ayun kay Morelos kapag nasa kamay na nila ang comprehensive na assessment report ay kaagad itong magrerekomenda sa Cebu City Council para sa deklarasyon ng State of Calamity.
Nauna rito ay iniulat ng CCDRRMC na apektado na ng dry spell ang 28 mountain barangay sa Cebu City kung saan maraming taniman ang naapektuhan dahil sa kakulangan ng tubig.