Nanawagan ng agaran, transparent, at komprehensibong review sa paggamit ng disaster funds ng gobyerno ang Senado.
Ayon kay Senator Christopher “Bong” Go, sa magkakasunod na Bagyong Kristine, Leon, Nika, Ofel, at Pepito na nanalasa sa maraming rehiyon sa bansa, kinakailangan na ng accountability sa alokasyon ng disaster fund.
Sa lawak ng populasyon na apektado ng mga magkakasunod na kalamidad, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng wastong paggamit ng disaster funds salig na rin sa mga umiiral na batas.
Pinatitiyak ni Go na ang pondo para sa kalamidad ay para sa mga nasalanta ng bagyo at hindi ito dapat magamit sa ibang mga bagay.
Bagama’t nauunawaan ng senador na kailangan ng ayuda sa mga ganitong krisis pero mayroon naman aniyang hiwalay na pondo at programa ang pamahalaan para sa mga nangangailangan at dapat na malinaw ang paggamit ng disaster funds upang mas mabilis makabangon ang mga apektadong komunidad.