Patuloy ang ginagawang pagmomonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong nananalasa ang Bagyong Jolina sa bahagi ng Visayas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na maging sa Luzon ay nakahanda na ang iba’t ibang disaster management offices sa posibilidad na magbago ng direksyon ang bagyo.
Kasunod nito, nanawagan si Timbal sa mga nakatira sa mga lugar na daraanan ng bagyo na huwag maging pasaway at sumunod na sakaling magpatupad na ng evacuation.
Samantala, nagpaalala si Timbal sa mga ililikas na siguruhing nasusunod ang minimum health protocols para makaiwas pa rin sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments