Disaster management plan kaugnay sa posibleng paggalaw ng west valley fault – naisumite na sa Malacañang

Manila, Philippines – Naisumite na ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa Malakanyang ang isang Disaster Management Plan.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan – hawak na ito ng Pangulo bago pa man ang pagdalo nito sa World Economic Forum sa Cambodia.

Anya – layon ng “National Disaster Response Plan” na mapaghandaan ang posibleng paggalaw ng west valley fault o ang pagtama ng pinangangambahang “the big one”.


Dagdag pa nito – layong din ng naturang plano na ayusin ang mga pampublikong gusali sa bansa.

Sa katunayan – pitong tulay na sa Metro Manila ang sumailalim sa retro-fitting habang patuloy ang kanilang assessment sa mahigit tatlong daang pampublikong gusali sa bansa.

Nabatid na mayroong apat na cluster ang National Disaster Response Plan na iprinisinta ng NDRRMC kabilang dito ay may kinalaman sa pangkalusugan, edukasyon, search and rescue, peace and order at logistics.

DZXL558

Facebook Comments