Nakatakdang repasuhin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang disaster management plan sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, maaaring hindi naiturn over ng mga dating barangay officials ang kanilang disaster management plan sa mga bagong halal na opisyal.
Ito aniya ang posibleng dahilan kung bakit may ilang opisyal ng barangay ang nangangapa o hindi alam ang gagawing tuwing may kalamidad.
Sabi ni Posadas, regular dapat ang pag-a-update sa disaster management plan dahil pabago-bago ang panahon at itinuturing na landslide prone area ang lalawigan ng Benguet.
Facebook Comments