DISASTER PREPAREDNESS MEETIN NG LGU DAGUPAN, ISINAGAWA BILANG PAGHAHANDA SA EPEKTO NG BAGYONG DODONG

Upang mapag-usapan ang magiging hakbang ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Dagupan sa magiging epekto ng Bagyong Dodong, agad na isinagawa ang disaster preparedness ng na pamahalaan laban sa posibleng epekto sa lungsod ng bagyong Dodong.
Pinangunahan ang naturang pagpupulong ng alkalde ng Lungsod sa Mayor Fernandez upang alamin ang magiging kahandaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Dito binabantayan na ng ahensya ang mga mabababang bahagi ng lungsod maging ang mga Island Barangays nito kung saan maaaring magdulot ng pagbaha dahil sa Pantal at Sinucalan River.
Binabantayan ng ahensya ang maaaring pagbahang dulot ng tubig mula sa upstream na lugar sa mga susunod na araw.
Sa lungsod ng Dagupan, ipinatupad ang bawal ang pagliligo, pangingisda at pagdaong sa dagat at ilog upang maiwasan ang disgrasya.
Ayon sa PAGASA, makakaranas ng pag-uulan na may kasamang hangin ang mararanasan dahil sa epekto ng Bagyong Dodong.
Samantala, itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1- Emergency Operations Center ang “BLUE Alert Status” sa Rehiyon Uno dahil sa nakaambang epekto ng Tropical Depression “DODONG”.
Epektibo ang naturang status kahapon ng umaga ng ika-14 ng Hulyo alinsunod sa Memorandum No. 059. Series of 2023.
Sa ngayon patuloy na binabantayan ang bagyo dahil sa posibleng paglakas pa nito.
Facebook Comments