Manila, Philippines – “One life loss is one too many” o walang dapat mawala kahit isang buhay.
Ito ang sagot ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan sa pahayag ni Senator Nancy Binay na hindi katanggap-tanggap ang dami ng bilang ng nasawi sa tropical storm Vinta sa kabila ng ipinangangalandakang disaster preparedness measures ng gobyerno.
Sa press briefing sa NDRRMC, sinabi ni Marasigan na welcome para sa kanila ang ganitong pagpuna.
Aniya, sapat ang paabiso nila sa publiko. Ilang araw na bago pumasok sa bansa, nanawagan na sila na maghanda ang publiko sa pamamagitan sa media.
Magsisilbing hamon sa panig ng gobyerno na pag-igihin pa ang kakayahan nito sa disaster preparedness para naiwasan ang pagkamatay.