Disaster preparedness ng bansa, hiniling na palakasin pa

Nanawagan si Senator Imee Marcos na palakasin pa ang disaster preparedness ng gobyerno ngayong sunod-sunod na nakararanas ng malalakas na bagyo ang bansa.

Dahil dito, hindi matapos-tapos ang pagharap ng bansa sa problema nang matinding pagbaha na nangangailangan ng agarang atensyon.

Batay aniya sa Harvard Humanitarian Initiative survey, lumabas na 19.2 lang ang preparedness score na malayo sa 50 na score.


Iginiit ni Marcos ang pangangailangan sa pagkakaroon ng national climate strategy at malakas na disaster preparedness.

Babala ng mambabatas, kung hindi aaksyon ngayon ay mananatili ang bansa sa panganib lalo pa’t tatlo hanggang limang bagyo pa ang posibleng manalasa sa bansa bago matapos ang taon.

Facebook Comments