DISASTER PREPAREDNESS NG PANGASINAN, KINILALA

Muling kinilala ang lalawigan ng Pangasinan pagdating sa pamamahala o kahandaan laban sa mga kalamidad o sakuna.

Sa naganap na Gawad Kalasag 2024, iginawad ng NDRRMC at Office of the Civil Defense (OCD) sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang Beyond Compliant Award sa ikalawang pagkakataon.

Ayon Pangasinan Gov. Ramon Guico III, ang parangal ay bunga ng mas pinalakas at pinabuting mga aksyon sa pagpapanatili ng katatagan at kahandaan ng probinsya laban sa tumatamang mga sakuna.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang information dissemination, pagbaba ng mga basic trainings sa bara-barangay sa lalawigan upang maitaas ang kamalayan ng publiko ukol sa wastong pagresponde sa oras ng kalamidad o anumang emergency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments