
Bilang dagdag na pwersa sa Joint Task Group “Handa”, nag-deploy ang Naval Forces Central ng dalawang Disaster Relief and Response Teams (DRRT) para sa nagpapatuloy na humanitarian relief matapos ang mapaminsalang lindol na yumanig sa Northern Cebu at karatig-probinsya kamakailan.
Sentro ng DRRT ang mga bayan ng Bogo, San Remigio, Medellin, Daanbantayan, at iba pang lugar na grabeng napuruhan ng lindol.
Layunin nitong mas mapaayos ang distribusyon ng tulong, clearing at retrieval operations, at paghatid ng suplay at serbisyong medikal sa mga naapektuhan.
Binubuo ang mga DRRT ng mga sinanay na tauhan ng Philippine Navy sa disaster response para tiyakin na mabilis at maayos ang operasyon.
Facebook Comments









