Iginiit ni Senator Imee Marcos na i-upgrade na ng pamahalaan ang kanilang disaster resiliency capabilities kasunod ng pagpanaw ng limang rescuers sa San Miguel, Bulacan sa gitna ng paghagupit ng Super Typhoon Karding.
Ayon kay Marcos, ang baha na lumunod sa mga rescuer ay nagpapakita lamang ng kakulangan sa epektibong flood watch at warning system ng bansa.
Wala ring mahigpit na evacuation protocols upang mas maaga pa lamang sana ay mailikas na sa mas mataas na lugar ang mga residente.
Hindi aniya maaasahang makapagliligtas ng buhay ang mga rescuer kung mismong sila ay hindi nila maisasalba ang kanilang buhay dahil sa mga kakulangang ito.
Dahil dito, mas isinusulong ni Marcos ang aniya’y mas “feasible solution” sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad sa pamamagitan ng paglikha ng National Resiliency and Disaster Management Authority (NRDMA).
Ang itinutulak na NDRMA ay upgraded version ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pero mas mababa ang pondong kakailanganin kumpara sa pagtatatag ng isang bagong departamento.