Disaster-resilient school buildings, isinusulong ni VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangang magkaroon ng redesign sa mga pampublikong paaralan para ito ay disaster resilient kasunod ng serye ng mga kalamidad na tumama sa bansa.

Ayon kay Robredo, maliban sa health facilities ay kailangang ibuhos ang investments sa pagpapatibay ng mga school buildings lalo na sa mga lugar na madalas dinadaanan ng bagyo.

Sabi ni Robredo, ang mga paaralan ay nagsisilbing temporary shelters para sa mga apektadong pamilya kapag may kalamidad.


Ang disensyo aniya ng school buildings ay dapat nakadepende sa lugar.

Dagdag pa ng Bise Presidente, ang bubong o kisame ng mga classrooms ay dapat ding i-redesign dahil karamihan sa mga bubong ay kayang paliparin ng mga bagyo.

Umaasa si Robredo na ipaprayoridad ito sa national budget.

Facebook Comments