Disaster response, mas mahusay ngayon kumpara sa mga nakalipas na bagyo – NDRRMC

Mas mahusay na ngayon ang disaster response ng bansa kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ito ang pagtaya ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro base narin sa karanasan sa nagdaang Bagyong Karding.

Ayon kay Alejandro sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad ay nagkakaroon ng improvement sa paghahanda ng gobyerno at mamamayan.


Inihalimbawa nito ang pagdating ng Bagyong Karding kung saan mas mabilis ang pagpapatupad ng forced evacuation ng mga local Disaster Risk Reduction and Management Offices kumpara sa nakalipas na panahon.

Aniya, mas alam na ngayon ng mamamayan ang peligrong kanilang kakaharapin kung hindi sila sumunod sa mga awtoridad.

Nakatulong aniya dito ang regular na pagpaalala sa publiko ng mga dapat gawin sa panahon ng sakuna at ang paglalabas ng napapanahong impormasyon sa tulong narin ng media.

Facebook Comments