Disaster response mechanisms ng ARMM sa 2018 mas pahuhusayin!

Tinagubilinan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang mga ahensyang kasapi ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng ARMM na mas pag-ibayuhin ang disaster response mechanisms ng sa 2018 at bumalangkas ng mga bago upang matugunan ang mga umuusbong na banta.
Sa huling pagpupulong ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng ARMM para sa taong ito, iprinisenta rin ng mga miyembro nito ang kani-kanilang report sa apat na DRRM thematic areas na kinabibilangan ng disaster preparedness, prevention and mitigation, response at rehabilitation and recovery.
Ang mga kasaping ahensya ng ARMM-DRRMC ay Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, Department of Science and Technology at ang Regional Planning and Development Office.

Facebook Comments