Disaster response vehicles ng DOH, nakahanda na

Nakahanda nang i-deploy ang mga disaster response vehicles ng Department of Health (DOH) Field Office 7 papuntang Bogo City Cebu matapos ang 6.9 na lindol na tumama sa lugar.

Ipapadala sa lugar ang mobile command center, mobile kitchen, water tanker at water filtration na kasalukuyang nasa Area Vocational Rehabilitation Center sa Labangon Cebu City.

Layon nito na tuluy-tuloy ang komunikasyon at suplay ng malinis na tubig para sa relief operations na isasagawa sa lugar.

Samantala, nagpadala na rin ng Quick Response Team ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para i-assist ang mga apektabong pamilya dulot ng malakas na lindol.

Dagdag pa nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang DSWD at siniguro na mabibigyan ng burial assistance ang mga naulilang pamilya ng nasabing sakuna.

Facebook Comments