Aktibo at nakaalerto na ang mga lahat ng disaster response teams ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa anumang kaganapan dulot ng bagyong si Rolly.
Partikular ang Quick Response Teams ng Disaster Response Management Group ng DSWD na naghayag ng kahandaan para sa deployment para asistihan ang mga Local Government Units (LGUs).
Naglatag na rin ito ng kanilang emergency equipment upang matiyak ang Komunikasyon sa panahon ng disaster operations.
Naglaan ng ₱884,000 na stockpiles at standby funds ang ahensiya para sa anumang pangangailangan sa posibleng epekto ng kalamidad.
Pagtiyak pa ng DSWD na naka preposition na rin ang 260,164 na inihandang family food packs sa mga strategic areas sa buong bansa.
Samantala, pinayuhan ng DSWD ang publiko na manatiling alerto sa posibleng epekto ng bagyo at makipagtulungan sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.