Disbarment ng ilang abogado na miyembro ng Aegis Juris Fraternity, itinutulak ng senado

Manila, Philippines – Itinutulak ng senado ang disbarment ng ilang abogadong miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Sa pagdinig ng senado kahapon, ikinuwento ng testigong si Mark Ventura ang mga nangyari sa huling sandali ni Horacio ‘Atio’ Castillo, III.

Sinermunan naman ng mga senador si John Paul Solano dahil sa katwiran niyang hindi namatay si Atio sa hazing kundi sa karamdaman niya sa puso.


Ayon sa Manila Police District (MPD), pumayag na ang Facebook Philippines na i-preserve ang group chat para magamit na ebidensya.

Inungkat naman ni Senador Miguel Zubiri ang sinasabing ‘Big Brother’ sa group chat. Paniwala niya si Atty. Arnel Bernardo ito, isa sa founding members ng Aegis Juris.

Pero naniniwala si Zubiri na si UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina ang tinutukoy na ‘big brother’ sa group chat.

Wala namang nakikita si Senator Ping Lacson na matibay na batayan upang isipin na si Divina ang sinasabing “big brother”. Maaari daw kasing ibang tao ang tinutukoy ni Ventura.

Apela ng mga magulang ng biktima na tigilan na ang karahasan sa ngalan ng tinatawag na kapatiran.

Facebook Comments