Discaya couple, posibleng sampahan ng kaso sa Sandiganbayan —Ombudsman

Malaki ang posibilidad na isunod ng Ombudsman na kasuhan ang mag-asawang Curlee at Sara Discaya sa Sandiganbayan dahil sa isyu ng flood control projects.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, submitted for resolution na kasi ang kasong isinampa sa Ombudsman laban sa mag-asawang contractor matapos ang tatlong pagdinig.

Maaring kasong malversation of public funds at plunder ang isampa laban sa mag-asawa.

Pero depende raw ito sa halaga ng pinag-uusapang halaga ng pera.

Ang mga kaso ay posibleng isampa bukas o sa susunod na linggo.

Una nang sinampahan ng kasong malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways-MIMAROPA dahil umano sa iregularidad sa ₱289.5 milyong halaga ng proyekto para sa flood control sa Naujan, Oriental Mindoro na kinontrata ng Sunwest Inc.

Facebook Comments