Disconnection activies sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown, sinuspinde ng Manila Water at Maynilad

Sinuspinde ng Manila Water at Maynilad Water Services (Maynilad) ang disconnection activies sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown at Alert level 5.

Alinsunod ito sa kautusan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) bilang pagbibigay-daan sa paghihigpit na ipapatupad na magtatagal hanggang matapos ang lockdown.

Para naman sa mga lugar na hindi nakasailalim sa lockdown, sinabi ni Atty. Patrick Ty, Chief Regulator ng MWSS Regulatory Office na ipagpapatuloy pa rin nila ang disconnection activies.


Pero kung wala talagang kakayahang makapagbayad ng buo, maaari namang makipag-ugnayan sa mga water concessionaire.

Simula Agosto hanggang Setyembre ay sinuspinde na ang pagpuputol ng suplay ng tubig sa Metro Manila nang maisailalim ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang 20.

Facebook Comments