Disconnection activities, sinuspinde ng Meralco sa harap ng ECQ

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na sinuspinde nila ang disconnection activities sa kanilang nasasakupan kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measures.

Ayon kay Meralco FVP and Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz, ang disconnection activities ay suspendido hanggang April 15, 2021.

Ang hakbang na ito ay layong gawing magaan ang pasanin ng mga customer ngayong ECQ at mabigyan sila ng panahon na mabayaran ang kanilang bills.


Nangako ang Meralco na tutulungan ang mga customer na mayroong concern sa kanilang electricity bill.

Maaari silang magpadala ng personal message sa kanilang Facebook Messenger, Twitter o tumawag sa Meralco hotline 16211.

Ang mga Meralco Business Centers ay mananatiling bukas para tumanggap ng payments, applications at customer service mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong Lunes Santo, Martes Santo at Miyerkules Santo.

Sarado ang Business Centers ng Meralco sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria.

Ang electric meter reading at paghahatid ng electic bills ay magpapatuloy.

Facebook Comments