DISCOUNT VOUCHER, IPINAMAHAGI SA SANTIAGO CITY

CAUAYAN CITY- Nagsimula na kahapon ika-4 ng Hulyo ang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher para sa wet season sa mga magsasaka sa Lungsod ng Santiago.

Ang mga benepisyaryong makakatanggap nito ay kabilang sa RSBSA System Generated Member.

Ang nasabing pamamahagi ay nakabase sa home address ng magsasaka kung saan maaari silang magtanong sa mga opisyal ng Barangay kung kabilang sila sa mga makakatanggap.


Samantala, maaari namang magbigay ng authorization letter ang mga hindi makakapunta katulad ng Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), Persons Deprived of Liberty, may trabaho sa labas ng Isabela ,OFW, buntis, at may sakit.

Facebook Comments