Manila, Philippines – Maglulunsad ng malawakang kilos protesta ang grupo ng mga nagmomotorsiklo sa Mayo 27.
Ayon kay Jobert Bolaños ng Riders of the Philippines o ROTP, ito ay bilang pagtutol nila sa discriminatory policy na ipinatutupad laban sa mga nagmomotorsiklo.
Gaya na lang aniya ng pagbabawal sa mga lalaki na umangkas sa motor sa Mandaluyong at Caloocan dahil sa tag na riding in tandem.
Iginiit ng grupo, unconstitutional at immoral ang mga akusasyong kriminal ang mga nakasakay sa motorsiklo.
Magsisimula ang protesta ng grupo sa White Plains sa Quezon City patungong Mendiola sa Maynila.
Facebook Comments