Ipinakita na nina Representatives Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party at France Castro ng ACT Teachers Party-list ang disenyo ng mga Filipiniana gown na kanilang isusuot para sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.
Si Francis Yu ang nagdisenyo ng filipiniana nina Brosas at Castro na pinintahan ng local artist-activist and art educator na si Michael Joselo.
Ang painting sa black Filipiniana gown ni brosas ay sumisimbolo ng mariing pagtutol ng mga kababaihan sa pananakop o agresibong mga hakbang ng mga dayuhang sundalo.
Ang larawan naman na ipininta sa Filipiniana gown ni Castro ay mensahe ng panawagan sa dagdag sahod para sa mga guro at manggagawa at hiling na pagtugon sa kahirapan.
Unang binigyan nina Brosas at Castro ng bagsak na grado si Pangulong Marcos dahil sa kabiguan nitong resolbahin ang mga problema ng bansa at mamamayan kaya wala rin anila itong dapat ipagmalaki sa kaniyang SONA.