Disenyo ng curriculum ng edukasyon sa bansa, isasailalim sa reporma ayon kay PBBM

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkakaroon ng reporma sa education curriculum design ng bansa.

Ang pahayag ay ginawa ng punong ehekutibo sa harap ng commitment ng pamahalaan na pagyamanin ang larangan ng innovation na nakapaloob sa National Innovation Agenda and Strategy Document o NIASD.

Ayon sa pangulo na kailangan ng maihanda sa 21st century ang mga kabataang mag- aaral kaya’t inilalatag na aniya ng pamahalaan ang mga kailangang platforms na magagamit para umunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na Pinoy sa iba’t ibang larangan.


Sa pamamagitan aniya ng gagawing pagbabago sa education curriculum at learning platforms ay mas mapapalakas ang creativity o pagkamalikhain ng mga estudyanteng Pinoy.

Sa mga ilalatag na reporma dagdag ng pangulo ay palalakasin din ang problem-solving skills at entrepreneurial abilities ng mga Pilipino.

Facebook Comments