Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na masimulan sa unang bahagi ng susunod na taon ang detailed engineering design para sa long-time dream project ng mga mamamayan ng Western Visayas.
Sinabi ni DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain, nagbigay ng evidence authority ang Department of Finance (DOF) noong October 24, 2022 para sa engineering services ng Panay-Guimaras-Negros Island Bridges para sa loan agreement.
Sa ngayon, ang procurement ng consulting services para sa nasabing proyekto ay kasalukuyang ginagawa at inaasahang magsusumite ang mga ito ng bidding documents ngayong Disyembre.
Ang 32.47-kilometer Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project ay kinapapalooban ng dalawang sea-crossing bridges na nagdurugtong sa Panay Island, Guimaras Island at Negros Island.
Ang Guimaras-Negros Section ay mayroong sea-crossing bridge na tinatayang may haba na 13.11 kilometers, kalsada na mayroong 5.49 kilometers at road connectors na may 0.87 kilometers na sa kabuuan ay 19.47 kilometers.