DISGRACEFUL CONDUCT | Atty. Lorenzo Gadon, nahaharap sa panibagong disbarment case

Manila, Philippines – Nahaharap sa panibagong disbarment case si Atty. Lorenzo Gadon.

Isinampa ito ni Atty. Wilfedo Garrido Jr. sa Integrated Bar of the Philippines dahil sa ‘disgraceful conduct’ ni Gados sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Batay sa 10-pahinang reklamo ni Garrido, nais nitong ipatanggal si Gados sa hanay ng mga abogado dahil sa kaniyang pagiging sinungaling, arogante at bastos sa mga impeachment proceedings ng house justice committee.


Inakusahan din si Gadon na nagkasala ng perjury.

Iginiit pa ng complainant na nag-iwan si Gadon ng sirang reputasyon, wasak na career at kahihiyan sa mga pamilya dahil lang sa paninindigang patalsikin si Sereno.

Facebook Comments