Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Robert Peralta, isang construction worker, matapos madaganan ng pader sa ginagawang drainage system sa Brgy. Nilombot, Mapandan, Pangasinan. Sa video na kuha ni Ronald Amansec Nacional, nakaipit sa gitna ng drainage na may lalim ng 4-5 ft si Peralta, na sinusubukan pang iligtas ng mga residente.
Ayon sa imbistagasyon ng pulisya, halos 20 minutes daw ang itinagal bago maiahon sa pagkakaipit si Peralta. Subalit sa sobrang bigat ng semento na dumagan sakanya, hindi na ito umabot pa ng buhay. Ayon sa mga saksi, nahirapan daw silang buhatin ang semento sa sobrang bigat nit. Sinasabi namang bumigay ang pader dahil sa pagkasira ng mismong konkretong pundasyon nito.
Si Peralta ay kasalukuyang nagtatanggal ng mga buhangin at iba pang debris sa nasabing drainage ng mangyari ang insidente. Nakaburol na ngayon ang biktima na residente ng Brgy. Matik Matik Sta. Barbara, Pangasinan at nakatakda namang bigyan ng tulong ang pamilyang naiwan nito mula sa lokal na gobyerno.
DISGRASYA | Construction worker sa Mapandan, Pangasinan, patay!
Facebook Comments