DISGRASYA | Drayber na nakabangga sa binatang tumatawid sa Roxas Boulevard, hawak na ng MTPB

Manila, Philippines – Hawak na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang driver ng SUV na nakabangga sa isang binata na tumatawid sa Roxas Boulevard corner Pedro Gil.

Kinilala ang driver ng SUV na may plakang LIN – 29 na si Carl Co, menor de edad.

Ayon sa abogado ng pamilya ni Co, magde-deliver lang sana sila ng prutas sa isang shop at hindi naman mabilis ang kanilang andar nang biglang tumawid ang biktima.


Hindi rin daw nila intensyong tumakas at natakot lang sila na baka makuyog ng mga motorista.

Handa namang sagutin ng Pamilya Co ang pagpapalibig sa biktima at magbibigay din sila ng kaunting financial assistance.

Facebook Comments