Disinfection sa mga lugar na mataas ang posibilidad ng exposure ng mga pasahero sa COVID-19 FLiRT variant, mahigpit na ipinapatupad ng MIAA

Mahigpit na ipinatutupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang disinfection sa iba’t ibang lugar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito’y sa mga bahagi ng terminal kung saan mataas ang posibilidad ng exposure sa FLiRT variant ng COVID-19.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, ang inisyatiba na ito ay upang masawata ang pagkalat ng naturang virus.


Kasunod nito, iniutos na ni Ines sa lahat ng terminal housekeeping providers na i-disinfect ang check-in counters, plastic trace para sa mga screening ng mga bagahe at maging ang Immigration counter.

Una nang sinabi ng Bureau of Quarantine na naglabas na sila ng heightened alert surveillance sa lahat ng dumarating na pasahero.

Sa huli, hinimok ng MIAA ang lahat na sundin ang mga pangunahing health protocol na itinakda ng Department of Health tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay pagtakip ng ilong at bibig kung nababahing at umuubo.

Facebook Comments