Disinfection sa mga paaralan sa Quezon City, isinagawa ng QC Health Department

Nagsagawa ang Quezon City Government Health Department ng malawakang disinfection sa mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay bilang pagsunod sa direktiba ng Department of Education-NCR (DepEd-NCR) na magsagawa ng disinfection sa mga pasilidad ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Kung maaalala, sinuspindi ang klase sa public schools mula October 13 hanggang 14, 2025, dahil sa mga kaso ng influenza-like illness.

Prayoridad ng pamahalaang lungsod na ligtas ang bawat mag-aaral sa banta ng sakit, lalo na sa mga pampublikong eskwelahan.

Tiniyak din ng QC LGU na maayos ang mga gusali kasunod ng mga sunod-sunod na pagyanig sa ilang bahagi ng bansa.

Facebook Comments