
Nagsagawa ng misting activities ang Department of Education (DepEd) sa ilang paaralan sa Pasay dahil sa tumataas na kaso ng Influenza-like Illness na isa sa mga W.I.L.D. (Waterborne diseases, Influenza-like illnesses, Leptospirosis, Dengue) diseases.
Layon umano nito na mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit sa mga mag-aaral.
Base sa datos ng City Health Office, umabot na sa 200 ang kumpirdong nakitaan ng sintomas ng naturang sakit sa loob ng apat na buwan ngayong taon.
Inagapan ng Local Government Units (LGUs) at DepEd ang pagkalat pa ng virus sa pamamagitan ng pagsasagawa ng disinfection sa mga classrooms upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro laban sa sakit.
Samantala namahagi din ng hardhat ang LGUs sa mga mag-aaral para magamit sa tuwing isinasagawa ang earthquake drill upang madagdagan ang kanilang kaalaman pagdating sa hindi inaasahan kalamidad na tatama sa bansa.









