Disinfection sa Santiago City, Tuloy-tuloy

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang disinfection sa mga kabahayan sa mga barangay at pampublikong lugar sa Lungsod ng Santiago.

Ito’y bahagi pa rin ng programa ng lokal na pamahalaam na pangontra sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos ng City Health Office, nasa 131 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod matapos madagdagan ng siyam (9) na panibagong positibong kaso.


Mayroong labing dalawa (12) na bagong gumaling na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 3,817.

Ang Lungsod ng Santiago ay mayroon nang naitalang 104 na COVID-19 related deaths mula sa naitalang kabuuang bilang na 4,052.

Facebook Comments