Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na panatilihin ang disiplina para matalo ang banta ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, nakasalalay ang pagpuksa ng COVID-19 sa pamamagitan ng “behavioral change” ng bawat tao.
Nabatid na naglunsad ang Department of Health (DOH), katuwang ang DILG ng programang tinawag na “Bida ang may disiplina, solusyon sa COVID-19” na layong hikayatin ang publiko na maging makabayan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga quarantine protocol para sa ikabubuti ng marami.
Umaasa aniya sila na sa pamamagitan nito ay mas makikinig at magiging law-abiding citizens ang publiko upang matapos na ang kinahaharap na krisis dulot ng COVID-19.
Facebook Comments